Dahil sa nangyaring pagpapasabog sa lugar ng Bir Hassan kahapon, ika-19 ng Pebrero 2014, ang lahat ng mga Pilipino dito sa Lebanon ay pinapayuhan muli na iwasan ang hindi importanteng pag-punta sa mga lugar sa katimugang bahagi ng Beirut na nakatala sa ibaba.
1) Bir Hassan / Jnah
2) Ghobeiry
3) Chiyah
4) Haret Hreik (kasama dito ang Bir El Abed at Ruwais/Roueiss)
5) Burj Al Brajne / Borj el Brajneh
6) Mreijeh – Tehwitat El Ghadir
7) Lailake / Al Laylake
8) Hay El Sellom / HaiEsSellom
Ang Embahada ay nanawagan muli sa mga Pilipino na nakatira o nagtratrabaho sa mga lugar na ito na ipaabot ang kanilang pangalan, tirahan at numero ng telepono sa Embahada sa pamamagitan ng pag-tawag o pag-text sa 03-859430 o sa Facebook: https://www.facebook.com/messages/BeirutPE.
Kung sakali na may pangyayari ng pagpapasabog muli sa alinmang lugar sa Lebanon at mayroon kayong impormasyon tungkol sa mga kababayan natin na naapektuhan, pakitawagan agad ang 03-859430 upang sila ay matulungan agad.
Patuloy na inoobserbahan ng Embahada ang pangkalahatang sitwasyon ng seguridad sa bansa. Ang Embahada ay magpapalabas muli ng paalala o advisory para sa mga Pilipino dito sa Lebanon para sa inyong kaalaman.
Maraming salamat po.
Ika-20 ng Pebrero 2014.