Dahil sa kamakailang insidente kaugnay ng seguridad sa Dahye, Beirut noong ika-2 ng Enero 2024 na maaaring maging banta sa kaligtasan at seguridad ng mga sibilyan, pinapaalalahanan ng Pasuguan ng Pilipinas ang mga Pilipino na mag-ingat at umiwas sa mga pampublikong lugar, pagtitipon, at hindi kinakailangang pagbyahe sa Beirut at South Lebanon.
Hinihikayat ng Pasuguan ng Pilipinas ang mga Pilipino na makipag-ugnayan sa Migrant Workers Office nito gamit ang +961 79 110 729 o sa ATN hotline gamit ang +961 70 858 086 para mag-update ng kanilang sitwasyon.