Dahil sa patuloy na tensyon sa dulong timog na bahagi ng Lebanon, na nagdudulot ng panganib sa kaligtasan at seguridad ng mga residente, hinihikayat ng Pasuguan ng Pilipinas ang lahat ng mga Pilipino na malapit sa nasabing lugar na lumikas muna para sa kanilang kabutihan at seguridad.
Dahil hindi pa tiyak ang paghupa o paglala ng tensyon, pinaalalahanan ang mga Pilipino na umiwas sa pagpunta sa South Lebanon kung di kinakailangan.
Hinihikayat din ng Pasuguan ng Pilipinas ang mga Pilipino sa South Lebanon na tumawag sa Pasuguan (+961 70 858 086) o sa MWO (+961 79 110 729) para magparehistro at mag-update ng kanilang sitwasyon.