MENU

Malugod na inaanyayahan ng Embahada ang lahat ng mga Pilipino sa Lebanon na makiisa sa pagdiriwang ng ika-116 Anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas sa darating na Linggo, ika-08 ng Hunyo 2014 na gaganapin sa UNESCO Palace simula sa 10:00 ng umaga.

Ang mga sumusunod ay mga aktibidad na gaganapin sa nabanggit na araw:

  1. Pagbibigay-pugay sa watawat ng Pilipinas;
  2. Misa at evangelical service;
  3. Food festival; at
  4. Cultural Show

Dumalo at inyong matutunghayan ang mga katutubong sayaw ng Pilipinas at paligsahan para sa pagkanta na kabibilangan ng mga pinakamagaling na kababayan nating mang-aawit ditto sa Lebanon at maari din kayong manalo ng ticket papuntang Pilipinas at iba pang premyo.

Magpapadala ang Embahada ng mga bus sa Tripoli, Antelias, Dora, Sassine, Tabaris, Hamra, Mansourieh at Broumana upang dalhin sa UNESCO Palace ang mga nais na dumalo sa nasabing pagdiriwang. Ang bus nasinakyan ay ito rin ang magdadala sa kanila pabalik salugar kung saan sila sumakay. Ang pagsakay sa bus ay walang bayad. Ang mga oras ng pagsundo ng bus sa mga ibat-ibang lugar ay ang sumusunod:

Lugar

Oras

Bus Coordinator

Mobile Nos.

Dora (sa harap ng Akl Bros)

9:30 a.m.

Wilfredo “Freddie” Lumaybay

78917403

Hamra (St. Francis Church)

9:30 a.m.

12:50 p.m.

Lydia Cubos

Marivic Garganta

Violeta Bernales

03091345

76984140

Achrafieh (Miraculous Medal Sassine)

9:30 a.m.

Janzky Macadangdang

71455964

Tabaris, Achrafieh (sa harap ng Hawa Chicken - Tabaris)

12:00 noon

Marivel “Bing” Batoy

03951471

Antelias (sa harap ng Abou Khalil Supermarket

9:00 a.m.

Beth Tagudin

76630051

Broumana ( sa harap ng Batrouni Supermarket) at dadaan sa Mansourieh

9:30 a.m.

Divinia “Baby” delos Santos

Agnes MAnchakian

03605803

70204972

Maraming salamat.