Ang lahat ng mg Pilipino sa Lebanon ay hinhikayat na magpa-rehistro bilang overseas voter upang sila ay maka-boto para sa halalan sa darating na Mayo 2016.
Ang pagpapa-rehistro ay gaganapin sa Embahada simula ika-6 ng Mayo 2014 hanggang ika-31 ng Oktubre 2015, Lunes hanggang Biyernes (maliban sa araw ng pista opisyal ng Pilipinas at Lebanon), simula 7:30 ng umaga, hanggang 3:30 ng hapon.
Ang mga kailangang mag-parehistro ay ang mga sumusunod:
- Lahat ng hindi pa nakapag-parehistro kahit kailan (first-time registrants);
- Ang mga nakapagparehistro na pero hindi nakaboto noong mga nakaraang halalan (ehemplo: 2010 o 2013), may Voters ID man o wala;
- Ang mga nakapagparehistro na pero hindi nakaboto kahit kailan, maging sa Pilipinas o sa labas ng Pilipinas, may Voters ID man o wala;
- Ang mga nakapagparehistro sa Pilipinas at naka-boto ng mga nakaraang halalan, may Voters ID man o wala; at
- Ang mga nakapag-rehistro at nakaboto noong nakaraang dalawang halalan ay inaanyayahan din na magtungo sa Embahada upang ma-verify ng Embahada ang tunay na status ng kanilang registration, makuha ang kanilang biometrics at kunan sila ng litrato kung kinakailangan.
Para makapag-parehistro, dalhin ang kanilang mga pasaporte o kopya nito. Para sa mga katanungan tungkol sa pag-paparehistro, tumawag sa 05-953522 o mapadala ng mensahe sa Facebook page (www.facebook.com/messages/BeirutPE) o e-mail (This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.) ng Embahada.
Maraming salamat po.