MENU

BEIRUT - Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, inanyayahan ng Pasuguan ng Pilipinas sa Lebanon ang mga kabataang Filipino-Lebanese at kanilang mga magulang na sumali sa programang “Kwentuhan sa Pasuguan” noong ika-21 ng Agosto 2022.

Malugod na binati at pinasalamatan ni H.E. Raymond R. Balatbat, Philippine Ambassador sa Lebanon, ang lahat ng dumalo sa programa na ang layunin ay ipagpahalaga ang kultura at wikang Filipino. Bukod sa pakikinig ng mga maikling salaysay at alamat na kapupulutan ng mga aral, ang dalawampu’t walong mga bata ay natutong gumawa ng parol at saranggola, at maglaro ng mga tradisyunal na larong Pinoy, tulad ng piko, jackstone, at paglundag sa goma o garter. 

wika

Binati ni Amb. Raymond R. Balatbat ang mga kabataang Fil-Leb at kanilang mga pamilya.

wika 2 wika 3 A

 Nagpakita ng kanilang talento sa pagtula at pagkanta ang ilang batang Filipino-Lebanese.

wika 4 Awika 5

Hinikayat ni Bb. Acey Duarte ang mga bata na sagutin ang mga maikling trivia tungkol sa mga kuwentong pambata

Ang tema ng Buwan ng Wikang Pambansa sa taong 2022 ay “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha”. Ito ay kaugnay sa 2022-2032 International Decade on Indigenous Languages ng UNESCO na ang pangunahing layunin ay itaguyod ang karapatan ng mamamayang katutubo sa malayang pagpapahayag, access sa edukasyon, at partisipasyon sa mga gawaing pampamayanan gamit ang katutubong wika.

Advisories